25Now there was a man in Jerusalem called Simeon, who was righteous and devout. He was waiting for the consolation of Israel, and the Holy Spirit was upon him. 26It had been revealed to him by the Holy Spirit that he would not die before he had seen the Lord's Christ. 27Moved by the Spirit, he went into the temple courts. When the parents brought in the child Jesus to do for him what the custom of the Law required, 28Simeon took him in his arms and praised God, saying:
29"Sovereign Lord, as you have promised,
you now dismissa]">[a] your servant in peace.
30For my eyes have seen your salvation,
31which you have prepared in the sight of all people,
32a light for revelation to the Gentiles
and for glory to your people Israel."
May isang istorya ang muling nabuo sa aking isipin at ito ang plot niya.
May isang mag-asawa, five years na silang kasal pero hindi pa sila mag-kaanak. Ilang paraan na ang kanilang sinubukan para magkaanak pero talagang wala pa ring nabubuo sa kanilang dalawa.
Hanggang ang lalaki dahil sa frustration ay naisipang mambabae at nagkaanak sa iba. Nang malaman ng babae ang ginagawa ng asawa niya, naisipan niyang magwala hanggang sa makalimot siya sa kanyang sarili at nakipagtalik sa iba.
Isang araw na diskubre ng babae na nagbunga ang minsang paglmot na nagawa niya. Inakala ng lalaki na anak niya ang dinadala ng asawa, dahil sa guilty ay naisipan ng babaeng hiwalayan ang asawa kasabay ang isang liham kung saan inamin ng babae na alam niyang may anak sa iba at ang kanyang dinadala ay anak niya sa ibang lalaki.
Lumipas ang ilang taon muli silang nagkita, bitbit ng babae ang kanyang anak habang ang lalaki ay patuloy pa ring nakikisama sa ina ng kanyang anak.
Napahinto ang babae at ipinakilala ng babae ang kanyang anak at sinabi na "Siya ang tatay mo." Huli na ng madiskubre ng babae na ang ama ng kanyang dinadala ay ang kanyang legal na asawa. Pero huli na ang lahat....
Para sa akin, napakasakit ang maghintay. Sabi ko nga sa sarili ko mas maganda pa yung nalaman mo na agad at nasaktan ka kesa yung patuloy kang umaasa at umaasa at umaasa. Nakakasira ng ulo ang paghihintay di ba? Mahirap mag-isip, nakakapagod.
Laging issue sa buhay ko ang paghihintay. Paghinhintay na makita ang tamang tao para sa akin. Paghihintay na ma promote, magkapera, yumaman. Lagi kong sinasabi nga sa Diyos, " Alam mo bang masakit ang maghintay?"
At alam ko alam Niya yun, pero pinapahintulot niya dahil gusto nya tayong ihulma ng tama kapag nakamit na natin ang ating hinihiling sa kanya.
Hanggang ngayon, ako'y naghihintay at umaasang may magandang nakalaan para sa akin. Nakakapagod, sabi ko nga sa Diyos, pagpahingain mo naman ako... pero ang paghihinga ay ang pagbibigay ng space sa sarili mo, pagsuko pero hindi tuluyang pagsuko, pero sinusuko mo na ang lahat sa Diyos, para bang " Lord, bahala ka na nga... nakakapagod na eh." Yung bang gusto mong maging malaya, yung wala kang pinanghahawakan. Yung bang hindi mo tinatali ang sarili mo sa isang bagay na gusto kasi mong alam mong malaya ka at umaasa kang ang Diyos na ang bahalang gumawa ng paraan sa lahat.
No comments:
Post a Comment