Pages

Tuesday, March 23, 2010

GOD's Choice

May mga bagay noon na gustong-gusto natin dahil sa inaakala natin na doon tayo magiging masaya.

Tuwing magbabalik tanaw ako sa aking nakaraan, naaalala ako ang mga panahon na hindi ibinigay sa akin ng Diyos ang specific na bagay na hinihingi ko sa kanya.
Bago ang magtapos ng highschool nangarap akong mag-aral sa isang prestigious university sa ating bansa. Wala akong binalak na pasukin na eskwelehan kundi yun lang. Ni ayoko ngang magtake ng ibang entrance exam noon dahil itinatak ko na sa sarili ko na doon ako magkacocollege. But unfortunately, I failed the entrance exam, isang bagay na hindi ko mapaniwalaan sa sarili ko. After kong madalian sa exam at umasang doon ako magkacollege malalaman kong its not meant to me.
Nasaktan ako, hanggang sa mawalan ako ng choice kundi pumasok sa isang simpleng university. Isang university kung saan ang usually na nakasalumuha ko ay mga ordinaryong estudyante na galing probinsya at iba pang simpleng estudyante. I stayed in that college for more than 4 years at naextend pa ng more than 2 years ng makagraduate ako ng Masteral doon. Napakablessed at happy ako sa university na iyon. Dahil bukod sa kaligayahan at mas nakilala ko pa ang Panginoon dahil sa University na iyon. I really enjoyed my college and even my masterals days because of that university. HIndi siguro mataas at sosyal ang standard niya katulad ng pinapangarap ko noon pero dito ako naging masaya.
Its not my choice, not even my dream, pero ito ang binigay sa akin ng Diyos, at dito ako naging masaya.
Sa ngayon, Im on the stage na hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng Diyos. Alam ni Lord, I have a choice, I have a specific choice which I think will make me happy and contented. Pero I still prefer His choice dahil alam ko na kapag Siya ang namili, doon ako magiging masaya.

Sunday, March 21, 2010

WAITING Luke 2:25-35

25Now there was a man in Jerusalem called Simeon, who was righteous and devout. He was waiting for the consolation of Israel, and the Holy Spirit was upon him. 26It had been revealed to him by the Holy Spirit that he would not die before he had seen the Lord's Christ. 27Moved by the Spirit, he went into the temple courts. When the parents brought in the child Jesus to do for him what the custom of the Law required, 28Simeon took him in his arms and praised God, saying:
29"Sovereign Lord, as you have promised,
you now dismissa]">[a] your servant in peace.
30For my eyes have seen your salvation,
31which you have prepared in the sight of all people,
32a light for revelation to the Gentiles
and for glory to your people Israel."

33The child's father and mother marveled at what was said about him. 34Then Simeon blessed them and said to Mary, his mother: "This child is destined to cause the falling and rising of many in Israel, and to be a sign that will be spoken against, 35so that the thoughts of many hearts will be revealed. And a sword will pierce your own soul too

May isang istorya ang muling nabuo sa aking isipin at ito ang plot niya.

May isang mag-asawa, five years na silang kasal pero hindi pa sila mag-kaanak. Ilang paraan na ang kanilang sinubukan para magkaanak pero talagang wala pa ring nabubuo sa kanilang dalawa.
Hanggang ang lalaki dahil sa frustration ay naisipang mambabae at nagkaanak sa iba. Nang malaman ng babae ang ginagawa ng asawa niya, naisipan niyang magwala hanggang sa makalimot siya sa kanyang sarili at nakipagtalik sa iba.
Isang araw na diskubre ng babae na nagbunga ang minsang paglmot na nagawa niya. Inakala ng lalaki na anak niya ang dinadala ng asawa, dahil sa guilty ay naisipan ng babaeng hiwalayan ang asawa kasabay ang isang liham kung saan inamin ng babae na alam niyang may anak sa iba at ang kanyang dinadala ay anak niya sa ibang lalaki.

Lumipas ang ilang taon muli silang nagkita, bitbit ng babae ang kanyang anak habang ang lalaki ay patuloy pa ring nakikisama sa ina ng kanyang anak.
Napahinto ang babae at ipinakilala ng babae ang kanyang anak at sinabi na "Siya ang tatay mo." Huli na ng madiskubre ng babae na ang ama ng kanyang dinadala ay ang kanyang legal na asawa. Pero huli na ang lahat....

Para sa akin, napakasakit ang maghintay. Sabi ko nga sa sarili ko mas maganda pa yung nalaman mo na agad at nasaktan ka kesa yung patuloy kang umaasa at umaasa at umaasa. Nakakasira ng ulo ang paghihintay di ba? Mahirap mag-isip, nakakapagod.

Laging issue sa buhay ko ang paghihintay. Paghinhintay na makita ang tamang tao para sa akin. Paghihintay na ma promote, magkapera, yumaman. Lagi kong sinasabi nga sa Diyos, " Alam mo bang masakit ang maghintay?"
At alam ko alam Niya yun, pero pinapahintulot niya dahil gusto nya tayong ihulma ng tama kapag nakamit na natin ang ating hinihiling sa kanya.
Hanggang ngayon, ako'y naghihintay at umaasang may magandang nakalaan para sa akin. Nakakapagod, sabi ko nga sa Diyos, pagpahingain mo naman ako... pero ang paghihinga ay ang pagbibigay ng space sa sarili mo, pagsuko pero hindi tuluyang pagsuko, pero sinusuko mo na ang lahat sa Diyos, para bang " Lord, bahala ka na nga... nakakapagod na eh." Yung bang gusto mong maging malaya, yung wala kang pinanghahawakan. Yung bang hindi mo tinatali ang sarili mo sa isang bagay na gusto kasi mong alam mong malaya ka at umaasa kang ang Diyos na ang bahalang gumawa ng paraan sa lahat.

Monday, March 15, 2010

Information: Its Impact if too much (John 6:68)

Panginoon, kanino kami pupunta? Ikaw ang may salita ng buhay na walang hanggan.


Kapag summer ay naging tradisyon na ng aming pamilya ang mag- Out-of-town. Kaya bilang isa sa mahilig magresearch thru Internet alam kong ako ang bahalang magplano ng aming pupuntahan.


Naisipan naming magpunta ng Saigon + Cambodia, at mula sa aking pananaliksik mula sa Internet at matiyang pagtatawag sa mga Travel Agnecies this might cost us USD 800 each. Nakakatakot sa pagkamahal, gustuhin ko mang pumunta at parang nalulula ako sa kamahalan.


Dahil nga sa sa tingin namin ay napakamahal magpunta sa mga bansang iyon. Sinubukan ko namang manaliksik sa pagpunta papuntang Beijing, kumpara sa na una naming plano mas mura ito pero may Visa. HIndi ko akalain na naghigpit na pala sa Visa sa China, marami ng hinihingi, NBI, SSS, Employment Certificate, Bank Certificate, etc.. etc... hah, parang nakakapagod ng asikasuhin ang mga bagay na ito (Last month ay nagasikaso kami ng requirements para US Visa at na disappoint ako dahil na deny kami.)
Chineck ko sa Internet kung paano kumuha ng mga requirements na iyon hanggang sa napagod ng napagod at napagod ako sa pagreresearch. Napahiga na lang ako sa kama, hindi ako mapalagay dahil sa mga nakalap kong impormasyon, parang Lord, napapagod na ako, ayoko na munang mag-isip. Saan niyo ba kami gustong papuntahin.


Isinishare ko ang kapagurang nadarama sa aking mga kapamilya at sinabi nila sa akin na tama na ang pagreresearch ko, at kaya nga may travel agency ej, para hindi ka na magresearch.

Ang sobrang kaalaman ay minsang may hindi magandang epekto sa emotion at espiritwal na kalagayan. Minsan ito ay nagdudulot ng takot at depression. Minsan nagiging dependable na tayo sa mga inpormasyong ating nakakalap. Nakakalimutan natin na sa Diyos lamang tayo umasa.

Sabi nila ang lahat ng sobra ay masama, tama, ang sobrang kaalaman ay masama rin. Hindi masama ang matuto pero moderately lamang. Matuto pa rin naman tayo dapat na magrelax, maging peaceful at umasa na ang Diyos, kahit hindi sapat ang ating kaalaman at kakayahan ay pupunan niyo ang ating kakulangan ng Kanyang Pag-ibig sa atin.

Tuesday, March 2, 2010

Ephesians 4:25-5:2 WAY OF LIVING WITH OTHERS

The book of Ephesians mentioned some pointers on how to live with other people:

- Speak truthfully to your neighbor (4:25)
Common Filipino term "Wag kang plastic" we should be honest to other people. Appreciate them if there are things to be appreciated, but if there are negative say it to the person in a proper and nice way.

- In your anger do not sin (4:26-27)
Don't take revenge to your enemy, learn to forgive... i know mahirap, masakit, but praying to God to heal your heart will be the best way to move on.

- Don't steal, but work (4:28)
We must respect other people properties, nakalagay naman sa 10 commandments yan. Kesa magnakaw tayo ay matuto tayong magbigay sa mga nangangailangan.

-Do not let unwholesome talk come out of your mouth (4:29)
Don't gossip, wag din tayong magmumura sa ating kapwa at magsasabi ng masama ukol sa iba, bagkos ay matuto tayong magappreciate ng ibang tao. Dahil sa bawat masasakit na salita na nabibitawan natin hindi lang ang taong involved ang nasasaktan natin kundi ang Holy Spirit.

-Get rid of all bitterness, rage and anger, brawling and slander, along with any form of malice (4:31-32)
Wag tayong mangabuso ng ibang tao, umiwas tayo sa mga away, wag magpapahamak ng ibang tao at wag mag-isip ng masama sa iba bagkus ay matuto tayong magkaroon ng mabuting puso sa ibang tao, maging mabait sa kanila at matutong magpatwad.

-Be imitator of God and live a life with love (5:1-2)
Maging tulad tayo ng Diyos na binubusog tayo ng kanyang pagmamahal. Puro pag-ibig ang ating isipin.