Pages

Sunday, February 14, 2010

VALENTINES 2010

I thought this day will be a lonely one for me. For a single like me, Valentines day is nothing but a typical day for me. Ayoko ngang lumabas ng bahay eh, baka maiinggit lang ako sa mga couples na sweet at masaya na sinasariwa ang araw na ito. I tried to read books, pero nagkataon naman na yung binabasa kong books talks about love stories. After that, I went to the bible service and meet my sisters in the church. It's been a month ng huli ko silang makita, and then we talked about sad true to life love stories, mga iniwan, mga pinaasa, that stuff, sakit di ba? And then I realized pwedeng may love life nga ako at this moment pero it may end up unhappily. Siguro it's better to wait na lang for the God's time, where everything is okey and everything will be alright. Hindi naman nasira ang damdamin ko sa love after hearing sad things about it, it's just made me into realization that there is RIGHT LOVE for me in the RIGHT TIME and with the RIGHT PERSON. Right person na hindi ako sasaktan, paaasahin at iiwan, someone that God created for me, and I'm created for him.

Wednesday, February 10, 2010

ANG SOBRA AY MAPANG-AKIT

Ang lahat ng tao ay nakakaranas ng sari-sariling adiksyon. May adiksyon na nakakasama at nakakasira ng buhay tulad ng bawal na gamot, pag-iinom ng alak at sugal at may adiksyon naman na natural lang sa atin o panglibang katulad ng pagsubaybay sa isang soap opera, paglalaro atbp.
Sa aking artikulong ito ay magfofocus ako sa mga adiksyong na natural lang sa atin. Masasabi natin na ang adiksyong ito ay positibo naman at hindi nakakabahala NGUNIT ang bagay na sobra ay nagpapahamak din sa atin na maaring magpalayo ng damdamin natin sa Diyos.
Halimbawa na lang sa panonood natin ng TV, ang kasobrahan nito ay pwedeng magdulot ng paglimot natin sa pagdarasal, inaagaw nito ang oras natin sa Diyos.
Hindi rin naman ako nalalayo sa mga ganitong sitwasyon. Ako rin ay may sari-sariling adiksyon sa mga bagay-bagay. Sa mga ganitong sitwasyon ay ito ang mga puntos na aking maipapayo:
  • Laging maglaan ng oras o schedule para magdevotion, magnilaynilay at magdasal sa Diyos.
  • Bantayan ang mga ginagawa. Isipin natin kung ang ating ginagawa ay nakakabuti ba o nakakasama sa tin. Kung tayo ay may mga alinlangan, maaring humingi ng payo sa mga taong may kasanayang pangespiritwal.
  • Gamitin ang pinagkakalibangan sa paggoglorify sa Diyos. Halimbawa na lang sa pag-iinternet, maaring gamitin ang blogging, forum o chat sa pagbabahagi ng salita ng Diyos. Maaaring gamitin ang isang inspring na drama sa TV sa inyong bible sharing.
  • Iprioritize ang Diyos sa lahat ng bagay na ating gagawin. Laging tandaan na ang Diyos ang may lalang ng lahat ng bagay sa mundo. Binigyan ng Diyos ng karunungan ang mga Programmer para ma-enjoy natin ang pag-iinternet.
Bago natin i-enjoy ang mga bagay napinagkalilibangan natin ay magpasalamat muna tayo sa Diyos na may lalang nito. At laging tandaan na ang lahat ng sobra ay may masamang epekto kaya laging magkaroon ng panahon sa Diyos.

Tuesday, February 9, 2010

1 Samuel 16:7

Ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, ngunit ang Panginoon ay tumitingin sa puso.

May isang Japanese drama ang nagpapapukaw ng aking atensyon ngayon. Ito ay tungkol sa isang dalaga na ninais na mabuhay sa kadiliman at mag-isa dahil sa sinabihan siyang "pangit" ng kanyang first love. Mula sa kabiguan sa pag-ibig na iyo ay naging weird ang personality ng dalaga. Nahuhusgaan siya ng mali ng ibang tao at nabansagan na isang nakakatakot na nilalang.
Sa pagtakbo ng istorya ay makikita rito ang mabuting puso ng dalaga. Isang taong masayang nagsisilbi sa kanyang mga kasambahay at natutuwa na makita itong nakangiti dahil sa sarap ng kanyang pagkaing niluto. kaya naman habang tumatagal ay napamahal na sa kanya ang kanyang mga kasambahay at naging mabuti nila itong kaibigan.
Sa buhay na makamundo, madalas ang tingin natin ay ang panlabas na kaanyuan. Nagiging dependent tayo sa isang tao kapag nakikita natin ang kagandahang panglabas nito o ang kanyang kakayahan. Ngunit ang Panginoon ay tumitingin sa kailaliman ng ating damdamin. Na kung sa ilalim ba ng ating panlabas ay isang kumikinang at malinis na puso.

Biblia

he grass withers and the flowers fall, but the word of our God stands forever- Isaiah 40:8

Sinasabi na ang Biblia ang pinakamakasaysayang aklat sa ating mundo. Kung iisipin natin madami ng pinagdaanan ang aklat na ito: giyera, kaguluhan, pangungutya, trahedya. Ilang beses na rin itong sinubok ng panahon ngunit hanggang ngayon ang nilalaman nito ay nanatiling buo, kumpleto at patuloy pa rin pumupukaw sa ating mga puso.
Isang himala ang patuloy na survival ng Bibilia, isang patunay na ang salita ng Diyos ay hindi tayo iniiwan... isang patotoo na ang Diyos, kailanman ay di tayo iiwan.
Hindi tayo bibitawan ng kanyang mga salita. Isang pagpapahayag ng Kanyang dakilang pag-ibig sa atin. Isang kamangha-manghang pag-ibig.
Dumaan man ang mga araw, maging abala man tayo na kung minsan ay nakakaligtaan natin Siya, tayo ay muli't muli niyang pinabalikan ng Kanyang mga salita at hindi Niya hahayaang mapalayo tayo sa Kanya.


Sa mga may alam na facts o realization ukol sa article na ito (or regarding sa bible) or if you have any experiences related. pls feel free to comment or email me dhosme@yahoo.com

i have to do this...

this week have been very stressful for me... i have my new dsl but my laptop cannot access it... so i have to reformat this and with a lots of prayers... thank god, i can already access my internet.
for this incidence i have lessons learned:
to pray... to pray...
to prioritize God in all things
never forget God even in busy days
and to use your resources to glorify God.

and i have to do this, to share my devotions and sights using the power of blogging.
Pardon me guys if i have to use Tagalog, i think i can more express my self using my native language.
Im just an amateur here.. patience na lang